Monday, January 16, 2006

Sana ang buong taon mo ay Pasko

Before we get to enter the season of chocolates, stuffed toys, and love letters...

Isang pahabol muna na Pamaskong pagbati, hehehe. Bagay naman yung lyrics eh :D

- - - - -

SANA NGA
twisted halo
from the Jam 88.3 Christmas album 2005

tuwing sasapit ang araw na 'to
nagsasayaw ka sa mga panaginip ko
mga dasal at pangarap mo
kapayapaan sa gitna ng gulo sa mundo

tanda mo pa ba?
pagkabata't pangungulila
mula sa langit
bumaba ang mga tala

sana ang buong taon mo
ay pasko
sana di lang panandalian 'to
pasko

pagod ka na sa paglalakbay mo
ilang taong hinagpis at pagbabalatkayo
sana'y makapagpahinga ang puso mo
sa akin di mo kailangang magbagong-anyo

aakayin kita, sasamahan
kaibigan, katuwang
ang mga tala'y muling magsasayawan

sana ang buong taon mo
ay pasko
sana di lang panandalian 'to
pasko

tanda mo pa ba?
pagkabata't pangungulila
mula sa langit
bumaba ang mga tala

sana ang buong taon mo
ay pasko
sana di lang panandalian 'to
pasko

No comments: