Tuesday, August 23, 2005

Wolf's Words

Still not over losing Wolf. And I don't think this feeling will subside anytime soon, not even after the final goodbye on Thursday.

- - - - -

Been going through Wolf's Friendster blog. Sobrang sipag nun magpost, hehehe. But this particular post has a different light now that Wolf's gone:

July 10, 2005

Growing Old

ganun ba talaga pag tumatanda ka?
sa november... 29 na ko.
ang bilis sumakit ng ulo ko!
ang bilis kong mapagod.
ang bilis kong mawalan ng pagasa.
ang bilis kong magalit

ang bilis kong matawa.
ang bilis kong mag-yosi.
ang bilis kong antukin sa oras na di ako dapat matulog
ang bilis kong uminom ng beer
ang tagal kong magising
ang tagal ko na sa banyo!
ang hirap tumae!!!
ang bagal kong kumain!
ang sakit ng tuhod ko at siko!
ang sakit ng ilong ko!
ang hirap bumangon sa umaga!
ang hirap matulog sa gabi!
ang lapad na ng noo ko!
ang sakit ng likod ko!
pakiramdam ko mabagal ang mga araw
pakiramdam ko mabagal ako tumanda...

ganun ba talaga pag tumatanda ka na?

- - - - -

A lot of people would prolly be steering clear first of Wolf's songs. When Wolf was still at St. Luke's, I was deciding whether isasalang ko yung CDs niya. I didn't. Tas nung Sunday afternoon, Francis Brew announced on NU that Wolf had passed away, sabay patugtog ng Fish N Chips tsaka Piniritong Dalagang Bukid. Ayun, gulpi-de-gulat ako't nakapakinig ng Wolfmann nang di oras, hahaha :P

Been playing Diner and Breaking the Beat Project ever since. Tas dito sa PC paulit-ulit yung Para sa Windows Media Player. Para was supposed to be Wolfmann's next big hit. Siguro kung marelease pa yung third album. Anyways, here are the lyrics to that beautiful song. You can download the
Acoustic and Electronica versions at the Files section of his Yahoogroup.

PARA

manhid... akoy manhid...
magdamag na nakahiga sa sahig.
banig... kahit may banig,
nakapako ang kamay sa sahig...
may anghel na dumaan
at unti unti akong tinatayo
sa aking kinalalagyan....
inabot nya ang susi sa sasakyang
patungo sa gitna ng araw at buwan....
di ko man alam kung saan na pupunta
basta't magmamaneho lang
hanggang sa may pumara

para na... may maglalakad sa tubig...
para na.... o nalilitong pag-ibig...
para na... di na kaya pang kumabig...
para na... o ayoko ng umibig

tawid... ako ay tatawid
sa di masukat na dilim ng langit...
lamig... akoy nanlalamig...
habang lumilipad humihigpit ang kapit
may demonyong dumaan
at akoy tinutuksong
bumaba sa aking kinalalagyan...
di maiwasang lumingon
sa lumipas na mga araw at buwan
di ko man alam kung saan na pupunta
basta't magmamaneho lang
hanggang sa may pumara

para na... may maglalakad sa tubig...
para na.... lumutang na pag-ibig...
para na... di na kaya pang kumabig...
para na... o ayoko ng umibig
para na... akoy maglalakad sa tubig...
para na.... o nalilitong pag-ibig...
para na... di na kaya pang kumabig...
para na... parang ayoko ng umibig
para na... kung di ikaw ang iibigin...

- - - - -

Was at Wolf's wake nga pala kanina. Ayun, gwapo parin siya. May goatee parin - rockstar na rockstar talaga :P


- - - - -

Comment ni MikeD (sandwich/Pedicab): Araw-araw listers' night ah :P
(To the uninitiated, 'listers' refers to the members of the bands mailing lists - in this case, listers ni Wolf, hehe.)

- - - - -

Hey Wolf, hope you're enjoying Electronica Heaven =)

No comments: